Opening Statement:
Thank you Teacher Fern for an overwhelming introduction and for inviting me here to share some remarks today. To the graduates/completers, parents, and teachers a pleasant afternoon, it is an honor to be here with you today to commemorate such important milestone in your lives.
Maybe you are asking bakit ako nandito. Ako din po kasi, hindi ko rin po alam kung bakit. I was so shocked when Teacher Fern called and asked me to be the guest speaker on your graduation. Mula kasi noong bata pa ako, pag naririnig ko ang word na “GUEST SPEAKER” ang nasa isip ko agad ay mga taong may matataas na posisyon, may pera, mayayaman, at mga taong malayo na ang narating sa buhay. I was a bit hesitant at first when he asked me to do it. Before kasi I was asked twice by my Grade 6 adviser to be their guest speaker in my beloved Alma Mater in the province, but I declined because I know I am not ready yet. Years gone by, then Teacher Fern (my college school mate, cheerdance team mate, and mentee) ask me for this part, pinag-isipan kong mabuti, and asked myself lf kaya ko ba? O kakayanin ko? And guess what, I am here in front of you delivering my speech. I’m quite excited and a little bit nervous because it is my first time and also a dream come true kasi mula elementary hanggang college pinangarap ko ang magdeliver ng speech at magbigay ng inspirasyon sa isang natatanging okasyon gaya nito.
So this afternoon, I stand here extremely honored and humbled to speak to you from the heart about learning, about life, and about success. I am hoping na meron kayong makuhang aral mula sa aking mga naging karanasan that will inspire and motivate you to aspire more and strive harder towards success.
Shared Memory:
To begin with, let me tell you a story about my roller coaster journey towards success. Ako po ay ipinanganak at lumaki sa pinakamalayong at pinakadulong barangay sa Lalawigan ng Quezon. Mahirap ang buhay sa lugar namin, malayo sa sibilisasyon, walang signal, at mahirap ang transportasyon. Pagsasaka at pangingisda lamang ang ikinabubuhay ng mga tao sa aming barangay. Ang aking tatay ay isang magsasaka at construction worker at ang aking nanay naman ay isang Day Care Worker. Kaya naman sapat lamang ang kanilang kinikita upang matugunan ang mga pangangailangan namin sa araw-araw. Pangarap ng nanay ko na maging isang guro at makapagtapos sa pag-aaral, ngunit dahil sa kahirapan di siya nakatungtong sa kolehiyo. Pero hindi niya binitawan ang pangarap na iyon, sapagkat ipinangako niya sa kanyang sarili na hindi man siya nakapag-aral at nakapagtapos sa kolehiyo, ang kanyang mga anak naman ang gagawa at tutupad nito.
Katulad ng aking ina, mataas ang aking mga pangarap. Kahit mahirap ang buhay patuloy nila kaming itinataguyod upang makapagtapos sa pag-aaral. Tatlong taon pa lamang ako noon ay nagsisimula na akong mag-aral kasi lagi akong kasama ng kuya ko sa pagpasok sa Day care. Limang taong gulang ako noong ako ay naging Grade 1, naalala ko pa dati na umiyak ako sa unang araw ng pagpasok ko sa school dahil hindi ko kasama si mama. Marami akong masasayang karanasan noong ako ayelementary. Marami akong naging mga kaibigan at marami akong masasayang ala-alang naipon sa loob ng anim na taon na pananatili ko sa elementarya.
Grade 2 ako noong madiskubre ko ang aking talento sa pagguhit at pagsayaw. Naalala ko pa na lagi akong napapagalitan ni mama noon dahil puro drawing ang laman ng aking notebook, maging ang dingding ng aming bahay ay di ko pinalampas.
Grade 3 naman ako noong napatayo ako sa unahan ng klase dahil sa aking kadaldalan habang nagtuturo ang aming guro. Simula noon, lagi na akong nakikinig sa klase dahil takot na akong mapatayo muli sa harapan.
Grade 4 ako ng mag-umpisa akong mangarap na maging isang architech. Dahil nga sabi nila mahusay akong magdrawing at pinangarap ko noong na ako ang magdedesenyo ng aming bahay kapag ako ay nakapagtapos na sa aking pag-aaral.
Grade 5 ang aking unang heart break. Sapagkat ito ang unang pagkakataon na hindi ako nakasama sa honors. Sobrang nalungkot ako sa nangyari ngunit ipinangako ko sa aking sarili na babawi ako sa susunod na taon pipilitin kong maging valedictorian o salutatorian dahil pangarap ko ding mag speech sa harap ng maraming tao.
Grade 6 is another heart break, ginawa ko ang aking best upang makabalik sa honor roll at nagawa ko naman ngunit hindi ko naabot ang aking goal na maging isang valedictorian o salutatorian. But I guess 3rd honors are a huge achievement.
Tulad ninyo ngayon, natakot din akong mag high school dahil mas malawak na ang iyong kapaligiran, mas maraming teachers ka nang kakaharapin, yung iba mababait, at meron din namang strikto na sasagarin ka hanggang sa mailabas mo ang iyong angking talento at kakayahan na meron ka. Sa high school mas marami kayong makikilalang mga bagong kaibigan, mga bagong karanasan maganda man o hindi na magpapatibay at magpapalakas ng iyong loob na harapin ang mga hamon sa buhay.
Napahiwalay ako sa mga elementary classmate ko sapagkat inilipat ako ng aking mama sa bayan upang doon mag-aral. Sa pagtungtong ko pa lamang sa gate ng aming paaralan, kaba at takot ang aking naramdaman sapagkat wala akong kakilala, at di ko rin kabisado ang lugar. Ang tanging meron lang ako ay ang lakas ng loob at tiwala sa sarili na malalampasan ko ang mga pagsubok na iyon. Mahirap ang aking naranasan sa High school. Tumaas ang lebel ng kumpetisyon sapagkat 12 sa aming klase ay valedictorian noong elementarya. Doble doble rin ang pagsisikap ko upang mapanatili sa honor roll. Maraming tao kasi ang nag doubt sa aking kakayahan at nagsasabi na hindi ko kayang makipagsabayan sa mga estudyanteng nag-aaral sa bayan. Ngunit di ako nagpa apekto sa mga iyon sa halip, ginamit ko itong inspirasyon upang mas lalo pang magsumikap at mag-aral ng mabuti.
My high school life was full of ups and downs. Dito mas lalong nadevelop ang aking kakayahan sa pagdadrawing dahil sa aking mahuhusay na mga guro na walang sawang gumabay at humasa sa aking kakayahan. Maraming akong masasaya at magagandang naranasan sa high school na hinding – hindi ko mlilimutan. Ngunit, may isang hindi magandang pangyayari sa buhay ko noong high school ako ang di ko malimot-limotan at iyon ay noong ako ay bumagsak sa math. When I was in 2nd year high school nagkaroon ako ng 72 sa math dahil nawawala ang aking notebook na ichecheck ng aking subject teacher. Nakakapanlumo ang pangyayaring iyon dahil nawala ako sa honors. Umiyak ako sa harap ni mama that time kasi hindi ko matanggap at natatakot ako na mapagalitan niya. Sa halip na pagalitan, my mom comforted me, and advised me na bumawi nalang sa mga susunod na taon. Fast forward, natapos ko ang high school with flying colors, wherein I was fifth out of all the 4th year students in our school.
My college life was the hardest. Di ako nakapagtake ng architechture (gusto kong kuning kurso) noong college dahil unang-una wala noon sa school kung saan ako nag-enroll at pangalawa di kakayanin ng aking mga magulang ang gastusin sa mga materials ng isang archi student. Instead of taking architechture, I took elementary education (my mom’s dream). I applied for some scholarships upang mabawasan ang gastusin nila mama sa pagpapaaral sa akin and luckily natanggap naman ako. I received 3 scholarships wherein nacover nito ang buong tuition ko kaya ang iisipin nalang nila mama ay ang allowance ko weekly. Hindi sapat ang allowance na natatanggap ko dahil tatlo kaming nag-aaral na magkakapatid kaya naman naranasan kong tumanggap ng mga commission drawings sa mga practice teachers noon na magdedemo upang mayroon akong maipangdadagdag sa aking allowance. Nagsumikap ako, sapagkat batid ko ang hirap na nararanasan ng aking mga magulang at mga kapatid upang mapagtapos lang ako sa aking pag-aaral. Nagtitiis sila na mag ulam ng asin para lamang makatipid at makaipon ng maipapadalang allowance sa akin. Nakapagtapos ako ng kolehiyo dahil sa sakripisyong ginawa ng aking mga magulang. At sa pag-akyat ko sa entablado upang tanggapin ang sertipiko ng pagtatapos at medalya ng karangalan ay bitbit ko ang mga aral, karanasan, ang mga pangarap ko at ng aking mga magulang.
Sa loob ng mahabang taon na aking ginugol ay natapos ko rin ang aking pag-aaral at nakahanap ng isang magandang trabaho. Hindi ko lubos akalain na ang isang batang bumagsak math noon, ay isa nang math teacher at Program coordinator ngayon. It’s ironic isn’t it? Sabi nga sa isang quotation, “What we call a "failure" is really just a setback on our pathways to success and fulfillment.” Ilang beses man tayong madapa at bumagsak sa lakad ng ating buhay, marami man tayong naririnig na doubts at pagmamaliit mula sa ating kapwa, huwag nating gawing dahilan ang mga ito upang tayo ay tumigil at sumuko sa pag-abot natin sa ating mga pangarap. Sa halip gamitin natin itong inspirasyon upang bumangon muli at magpursige pa na maabot ang tagumpay na ating inaasam.
Challenge and Closing Statement:
Ang kwento ng pagsuong ko sa mga pagsubok upang maabot ang tagumpay ay maikokonekta natin sa tema ng inyong graduation, “Gradweyt ng K to 12: Masigasig sa mga Pangarap at Matatag sa mga Pagsubok.” Sa inyong murang edad ay sinubok na agad kayo ng panahon. Way back in 2019 when the whole world suddenly stopped because of pandemic. Naging mahirap ang sitwasyon maging hanggang sa kasalukuyan. Lahat ay naapektuhan maging ang inyong pag-aaral. Ang dating araw-araw na pagpasok ninyo sa paaralan kasama ang inyong mga kaklase ay napalitan ng pagharap sa computer screen makita lamang at mapangkinggan ang mga lesson na ituturo ng inyong mga guro. Maraming naging hadlang sa inyong pagkatuto tulad ng mahinang internet connections, maingay na paligid, at mga di maiiwasang technical difficulties sa mga devices na ginagamit ninyo tuwing synchronous class. Pero lahat ng iyon ang inyong nalampasan. Natapos ninyo ang anim na taon sa elementarya na puno ng dedikasyon at kasipagan. Kaya naman sa araw ay tatanggapin na ninyo ang bunga ng inyong pagsisikap – ang mga medalya at sertipiko ng pagtatapos.
At ngayon ang bawat isa sa inyo ay tutungtong na sa panibagong yugto ng inyong mga buhay, at magsisimula nang harapin ang mga panibagong pagsubok sa pag-abot ninyo sa tagumpay. Hindi man ito magiging madali ngunit, lagi ninyong tatandaan laging nariyan ang inyong mga magulang, mga guro at mga taong gagabay sa inyo sa pagharap ninyo sa mga hamon ng buhay. Ang mga aral at kaalaman na natutunan ninyo sa paaralan at tahanan hindi lamang pang akademiko, kundi maging sa iba’t-ibang larangan gaya ng isports, agham, sining, pakikipagkapwa at marami pang iba ay magagamit at magiging sandata ninyo upang magtagumpay sa buhay.
Mga magsisipagtapos sa araw na ito, Maging matatag kayo sa pagharap sa hamon ng buhay sapagkat hinding-hindi ninyo maiiwasan na maranasan ang mga ito. Even if you are working hard and feel that you are doing everything right, you are bound to encounter setbacks. All you need to do is to handle those failures and setbacks in the right way. Just focus on your goals and do not dwell on your past mistakes.
And as you go forward I challenge each and every one of you to take risks, be courageous, strive hard, and aim high, because you are the hope of this nation. Continue to care – care about yourself . . . your family . . . your teachers … and your friends.
Para mga magulang, wag nawa sana kayong magsawang gabayan ang inyong mga anak sa pag-abot nila sa kanilang mga pangarap. Eencourage ninyo sila na gawin ang lahat ng kanilang makakaya sa anumang bagay na nais nilang gawin. Suportahan ninyo sila sa mga bagay na alam ninyo na ikabubuti nila. At iwasto ninyo sila kung sila man ay makakagawa ng hindi tama upang maituwid ang kanilang mga pagkakamali.
Para sa mga kapwa ko guro, let us do our part to guide and nurture the minds of our students. Let us inspire them to be patient in everything that they do.
Before I end my speech, allow me to share this line from the speech given by Taylor Swift on her graduation, and I quote: “Hard things will happen to us. We will recover; we will learn from it, we will grow more resilient because of it. And as long as we are fortunate enough to be breathing, we will breathe in, breathe through, breathe deep, and breathe out.”
Congratulations parents and graduates!!!
Nawa ay nakapagbigay ako ng inspirasyon at kinapulutan ninyo ng kaunting aral ang istorya ng aking buhay.
Isang mapagpalang hapon at maraming salamat po!!!
Comments